may crush ako nung nag aaral pa ako,
1st year palang ako nung una ko syang
nakita. kaganda nya talaga, pero ang
nakakatawa, hindi ko nalaman ang pangalan
nya kase simple lang syang estudyante
kaya di masyadong matunog ang pangalan nya.
pero ang alam ko matalino yun. hanggang
sa maka graduate ako ng high school.
pero minsan nakikita ko sya
sa palengke kasi dun sya nagtatrabaho.
hanggang sa isang araw sa isang araw,
sa computer shop ng isa ko pang crush
na si ate mia (sumegway pa talaga?)
may nakatabi akong cute na lil' girl...
bigla akong may naalala, sabi ko sa sarili
ko; ''kahawig nya si....?" di ko alam
ang pangalan eh. at dahil makapal naman
ang muka ko, bumatat ako kay cute lil'girl
ng pachambang tanong kasi magkamuka
talaga sila.
alvin: hi!... taga dun ka ba sa likod ng GCI?
lil'girl; opo...
alvin; ate mo ba si...........? sino nga ba yun?
lil'girl: jonally po ba?...
alvin; yata.... di ako sure eh... i mean hindi
ko kasi alam ang pangalan nya... ahihih...
(nun ko lang nalaman ang pangalan nya.)
lil'girl: yung nagtatrabaho po ba sa palengke?
alvin; ay!! bongga! ikaw na ang pinoy henyo...
yun nga.... ate mo sya?
may asawa na ba yung ate mo?
lil'girl: wala pa po...
alvin; talaga? hahahah!!! ayylabbbettt.....
may facebook ba sya? kung meron pwedeng
paki type?
at sya nga ang nag type ng email add. at yun nga,..
nahanap namin agad.
alvin; bakit ganito ang relationship status nya?
"in a relationship" sya oh.... ( na-shock ako that time,
hinimatay yata ako ng mga 5 seconds. charot!!)
lil'girl: may boyfriend na po kasi sya, taga san jose.
medyo nakipag chikahan pa ako ng konti kay cute
lil'girl at sa isang kasama nyang bata. sinabi ko na
crush ko yung ate nya nung high school ako.
(kapal ko noh?)
nag down load ako ng isa sa profile picture nya,
kaya eto na po sya.
sabi ko isa lang, tatlo pala. sorry naman.....
at yan nga po, ipinapakilala ko
sa inyo si jonally linda.
Sunday, August 7, 2011
Saturday, August 6, 2011
"tula para kay shasha"
Pagmamahal ko sa'yo ay di matatapatan
Handa akong sisirin lalim nang karagatan
Bawat pagsubok ay gagawan ko nang paraan
Ikaw lamang ang mamahalin magpakailanman
Pagmamahal ko sa'yo ay syang nagsisilbing lakas
Kadahilanang nagagawang harapin ang bukas
Patak nang mga luha ko ang naiiwang bakas
Sa pag-ibig kong ito na walang kasing wagas
Pagmamahal ko sa'yo ay panghabangbuhay sinta
Hindi iindahin anumang hirap basta kasama kita
Nagpapasalamat sa Panginoon na ikaw ay nakilala
Sapat ka na sa akin at wala nang mahihiling pa.
parang fliptop lang noh?

Subscribe to:
Posts (Atom)