Lahat tayo ay may kanya-kanyang hindi malilimutang FIRST TIME.
First time na... maglakbay mag-isa, sumakay ng eroplano, mabigo, magka-crush, mainlove at syempre ang pinaka-memorable sa lahat - ang FIRST KISS.
Habang pinapanood ko ang dalawang batang nasa video na kilig na kilig habang naghaharutan at naglips-to-lips pa, bigla ko tuloy naalala.. kelan nga ba ko unang nakatikim ng halik?
*flashback*
2010, 2009, 2008, 2007, 2006, 2005..... 1998!!!
Basta ang naaalala ko noon, nakikipaglaro ako ng bahay-bahay sa kaibigan kong babae - si melanie. At dahil malaki yung lumang bahay ng lola ko, niyaya ko siya sa ikalawang palapag ng bahay. Sabay kaming dumungaw sa balkonahe at masayang kumaway sa mga taong dumadaan sa kalsada. Matapos ang eksenang yun, niyaya ko na siya sa kuwarto at nagpasyang ituloy ang aming paglalaro.
alvin: "Kunwari ikakasal tayo ha? Tapos magkikiss tayo. Pagkatapos nun, ikaw na si Mommy, ako naman si Daddy." (kung gagawin ko yan ngayon manyakis na ang dating. hehe)
melanie: "Oh sige!" (sabay kutitap ng kanyang mga mata na tila naeexcite sa aming laro na noong mga panahon na iyon ay wala pang malisya.)
alvin: "Gusto mo ba ko maging asawa?"
melanie: "Oo gusto ko. Ikaw, gusto mo din ba ko maging asawa?"
alvin: "Oo."
Sabay kanta ko ng: Tan-tan-ta dan.. Tan-tan-ta-dan... (tunog pangkasal)
(kinilig ang betlog ko nung mga panahon na yun. LOL)
Sabay kaming nag...
Eyes-to-eyes...
Nose-to-nose...
Lips-to-lips...
At dun ko unang natikman ang tamis ng unang halik. Hi Hi Hi. (may halong halinghing ang aking tawa.. LOL. Landi lang!)
Ikaw, kelan mo naranasan ang iyong first kiss?
No comments:
Post a Comment