ang bango-bango ng bagong sabon na inutang ko sa aking friend. Nasa box niya ang pangalang oat milk, so malamang gawa siya sa gatas at oats. Duh? Minsan nga naisipan ko na siyang kainin dahil wala talagang pagkain sa bahay. Umandar na naman ang pagka hungry dead.
Para siyang sampaguita na may halong ¼ ounces of roses, pinch of mint at
1000 na patak ng luha ni allie hamilton. (the notebook?)
Ang sarap isabon dahil may oats, lalo na sa mga lugar sa katawan na mahirap abutin. Masarap kasi para ka lang nag sascrub, nakikiliti ang betlogs ko pagsinasabon ko siya. Amazing talaga dahil pagtingin ko sa betlogs ko ….shiny na!
Okay, hindi ako papasa bilang product reviewer.
Fetish ko ang mabango. Sa tuwing paglabas ko ng banyo pagkatapos maligo, para lang akong rebulto na inalayan ng bulaklak. Ganun siya kabango. Kaya kahit sa bango man lang, feel ko na ang linis ng budhi ko, walang bahid ng immoralidad at intact parin ang kamalayan kahit na wasak na wasak na ang mukha.
Medyo may kamahalan lang ng kunti ang bagong sabon ko. At ang daling maubos. Siguro nga dahil gawa siya sa gatas. Pero bago ko pa gamitin ang sabon na to, meron na akong regular na sabon na ginagamit. Hindi man siya ganun ka bango kumpara sa oat milk, tiwala pa rin ako sa kapabilidad niya na magbigay sakin ng long lasting kaligayahan. Walang shiny balls after bath, but a pure feeling of satisfaction. Weh?
Sa dami ng “options” sa mundo sa lahat ng bagay, nakakasakit na sa ulo ang mamili. Kadalasan, papalit palit tayo ng ginagamit dahil kulang, tapos hahanap na naman ng bago, at kulang na naman o hindi ka masaya dahil nga, kulang. Ang dali lang siguro pumili kung ang pagpipiplian ay pula o sa puti lang, o di kaya pera o bayong, pwede ring hirap o sakit. Teka, parang pareho lang no?
Di rin nagtagal bumalik ulit ako sa dating sabon na ginagamit ko. Ganyan naman talaga parati. Kailangan sumubok ng iba. Dahil sa kabila ng papalit palit natin sa pagpili ng mga bagay, mas lalo nating nalalaman kung sino at ano ang dapat nating bigyan ng halaga.
Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,
Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.
No comments:
Post a Comment