Tuesday, January 3, 2012

papa jack's true love conversation

Matagal-tagal na nang huli akong nakinig kay Papa Jack.
Lagi ko kasi siyang natutulugan dahil sa sobrang pagod.

Pero kagabi, dahil sa hindi malaman na dahilan, nagkaroon ako ng pagkakataong makinig ulit sa kanya dahil parang wala akong ginagawa kagabi kung hindi tumanga lang sa kwarto.


Anyway, kagabi, nakakinig ako sa program ni Papa Jack..
Naabutan ko yung isang caller, nagkukwento na about sa love problem niya…
Siya daw kasi ay iniwan ng kanyang “girlfriend” (babae yung caller ha…).
Bitterness ang eksena. Pero umiiyak siya. Dahil in a way hindi niya matanggap na iniwan siya ng kanyang girlfriend. Binigyan siya ng pagkakataon ni Papa Jack para sabihin ang lahat ng nais niyang sabihin sa taong iyon…

Sorry…

Mahal na mahal kita…

PAALAM…

Ang hirap ng mga sinabi niya… At ako’y  napaisip…
Sa totoo lang, ginusto ko ring tumawag sa programa na iyon  sa radyo.
Paano, baka kailangan ko ring masoplak ni Papa Jack sa mukha ng kanyang mga makatotohanang payo.Mga payo  na alam kong hindi ko na kailangan pang marinig sa iba, pero hindi ko pa rin ginagawa.

Magpaalam.

Magsorry.

Mag move on.

Maging masaya para sa kanya.
Maging masaya para sa sarili ko.
Magmahal ulit.

Dahil kung sana madali lang… Hindi na siguro lahat mahihirapan gawin lahat ng mga yan…

Hindi ba?

No comments:

Post a Comment