Saturday, January 21, 2012

"closed"

masaya na ako, kaya anu pang isusulat ko?
nasabi ko na ang dapat sabihin, lahat ng
regrets, hinanakit ko sa buhay, mga bagong
pag-ibig, mga kalandian ko, at marami pang iba.
wala na siguro akong dapat isulat dito, tutal naman
eh nagkita na kami ulit ni ___. matagal ko na din
naging sandalan iting blogger account na toh'.
ito ang saksi sa mga kaartehan ko sa buhay.
ito na siguro yung tamang oras para isara ko ito.

makialam daw ba... heheheh!!

sinamantala ko na pagkakataon.. natatawa ko sa mga nbsa ko. ingat bakla.. sana mhanap mo na ung right girl for you.. :) love u friend..:):)

Thursday, January 5, 2012

emo si berdugo

pangatlong draft na 'to, lahat binura ko pag tapos isulat. Ura-uradang bura. Ganyan.

Ang hirap mag control ng sinusulat kapag nasa climax ka ng ang dami-dami mong gustong ishare pero ayaw mo naman mabasa ng lahat, complicated lang ampotah. Oo may ganyang kapok-pokang emo-shit din me once in a blue moon. And because it's year of the water dragon ngayon si-simulan ko ang emo shit randoms. Kasi ang water dragon ma emo. Google mo pa. Syemps, tao rin naman me kala mo lang blue whale pero NO! tao me. Nasasaktan at nayuyurakan ang pagkatao.

Arte lang.

Kaya gusto ko lang mag emo. Pwede naman diba?! Minsan lang naman ihhh.

1. Tangina baket ba ko nasasaktan ng ganito. Dapat hindi naman eh. Kasi wala lang. Basta. Ang gulo ko. Parang bulbul lang. Basta ang sakit, parati nalang ganto. Letche!

2. Hindi naman ako masamang tao. Hindi ko deserve 'to. Wala naman akong tinatapakan at sinasaktang tao. Baket kelangan akong gantuhin?! Orti ko. Putangina!

3. Isinumpa yata ako ng wicked witch na bawal maging masaya. Ang tanging solusyon lang sa super-powerful-raised-to-the-positive- infinity-bad-spell nya ay magkaroon ako ng abs. Which is hindi mangyayari hanggang next life time. Tanginang witch yan. Bitch!

3. Baket ba napaka gullible ko most of the time. Potahshet!

4. Tama ang hinala ko. Katawan ko lang ang habol nila at hindi ang nilalaman ng puso ko. 'Pag tapos masimsim ang every inch ng fats ko iiwan nalang sa pasig river. Rape victim?! Gang rape?! LOL

5. Diba pag you wanted a person really bad pinaglalaban?! Nasa blue book 'yun diba? Parang 'yung three month rule? Diba? Diba?! Diba?! Dami ko na nasinghot na katol.

6. Nakaka durog ng puso pag teary eye na 'yung kausap mo. Mas nakakadurog ng puso pag alam mong may point sya kung baket sya teary eyed. Shit ano ba 'tong pinag susulat ko. Fuck!

7. ang hirap din pag punong-puno ng inconsistencies ang actions compared sa binubuka ng bibig. Somehow nakaka-disappoint din. Shit titigilan ko na 'to.

8. Ang sarap kiligen na parang highschool ka na nag abot ka ng flowers sa nililigawan mo tapos natuwa sya nag blush sya ng bongga. Same effect pag nilalambing ka ng taong gusto mo. Tangina talaga! Kill me na!

9. Alam kong masasaktan ako sa puntong pinag eemohan ko ngayon pag pinagpatuloy ko 'to. Dahil alam ko at nararamdaman kong hindi ako mahal ng taong mahal ko.

 


PAK!

ZONROX PA NGA!!!!

BWISET!!!.....

Papa Jack Quotes

Papa Jack Quotes and Sayings


Walang lugar ang pride sa pagmamahalan. 
Pero kahit minsan naman, samahan nating ng konting 
kukote ang ating mga damdamin.


Eto para to sa mga lalake, Be man enough to say na "ayaw mo na"
Hindi yung basta basta ka na lang hindi magpaparamdam. Isa kasi sa 
pinakamasakit ang umasa na meron pa, pero sa totoo lang walang wala na...


When you decide to fall in love, you need to accept 
the reality that your life won't be normal anymore. 
Ganyan ang pagmamahal pwedeng baguhin ang lahat. - Papa Jack


Minsan kahit alam mong makapapanakit ka, ginagawa mo parin.
Walang mang-aagaw kung walang magpapaagaw
At ang pagtanggap sa katotohanan ay hindi madali, pero kailangan mong tanggapin. 



Kung wala ka pa talagang napipili,
 take your time kung sino ba talaga? 
minsan dyan tayo napapahamak sa pagmamadali.



Papa Jack Quotes


"Huwag kang magmadaling sagutin yung manliligaw mo.
Ano yan? Christmas rush!!
Kasi magpapasko na kaya kailangan mo ng boyfriend!!?"
- Funny Quote from Papa Jack



Hanggang single ka, mahalin mo lang yong sarili mo. 
Sobrang sobrang mahalin mo yung sarili mo. 
Gawin mo lahat ng gusto mong gawin. 
Wag kang magmadali na makahanap ng bago. Enjoy mo lang yung pagkasingle mo. 



Enjoy mo lang yung pagiging malaya na naibibigay sayo ng pag-iisa. 
Para kapag dumating na 'yung taong para sayo at tumibok ulit yung puso mo.
Wala kang pagsisisihan. Hindi mo na rin kakailanganin o magagawang umasta 
na parang single kasi nagawa mo na yun lahat nung wala pa siya.
Lahat ng bagay may oras at lugar. - Papa Jack Quotes



Matuto kang maghintay at makuntento sa kung anong binigay sa'yo. 
Mamaya sa kakamadali mo na magkaroon ng bago, 
magkamali ka pa ng pagpili. Sige ka, ikaw rin.



Ganito ang experience sa love. Kapag hindi mo naramdamang masaktan, 
hindi mo rin mararamdaman ang tunay na pag-ibig.


Kung mahal mo siya, you can't explain why. 
Because love is a magical feeling and you can't explain magic.


Tuesday, January 3, 2012

sorry, thank you, goodbye

gusto ko lang magpakatotoo, oo friend tayo, pero hindi naman yun ang gusto ko,
nahihirapan din ako, lalo na pag nakikita ko yung mga picture nyo ng asawa mo.
narealize ko kasi na hindi tama. hindi tama na magmahal ako ng tulad mo...

hindi ako pwedeng maghintay sayo habang buhay. imposible yun.
wala akong karapatang masaktan o magtampo man lang.
hindi alo pwedeng basta nalang maglambing sayo kahit txt man lang.

mahal kita,.... kaya ko nagawang i-unfriend ka sa facebook.
hindi na naten kaylangang mag usap or mag chat.
paalam na sayo. kahit ako mismo mahihirapan din ako.

masaya ako para sayo, kahit ang ending ng buhay ko hindi ikaw
ang kasama ko. mahal ka nya,... alam ko yun. kaylangan ko na kasing
magsimula ng bagong buhay. 

ang hirap naman kasi maghanap ng tulad mo.....
hindi din naman kasi kita pwedeng angkinin.
hindi din kita pwedeng tawaging akin. gano kahirap yung
ako lang ang nagmamahal?

salamat sa mga oras na napapasaya mo ako, sa tuwing katxt kita or kausap kita.
salamat sa mga conversation natin, sa mga confession natin sa isat isa.
utang na loob ko sayo yung mga oras na yun,...  kasi ng mababaw ako.
mag missed call ka nga lang kinikilig na ako.

pasensya ka na kung nagsuplado ako nung magtxt ka, ayoko kasi ng magandang ala-ala
sa pag limot ko sayo. mahihirapan lang kasi ako kung  magpapaalam ako ng maayos.
baka hindi ko lang maituloy. ayoko na din kasing humaba pa usapan naten.
isa pa, baka mabasa pa ng asawa moh, mag-aaway nanaman kayo.

hindi kita malilimutan, isa kang masayang ala-ala para sakin.
madami kong natutunan sayo.
ipagpapatuloy ko ang buhay ko ng masaya. pipilitin ko kahit wala ka.
ito na salitang hindi ko kayang banggitin sayo... paalam na sha,...
mahal na mahal kita.

papa jack's true love conversation

Matagal-tagal na nang huli akong nakinig kay Papa Jack.
Lagi ko kasi siyang natutulugan dahil sa sobrang pagod.

Pero kagabi, dahil sa hindi malaman na dahilan, nagkaroon ako ng pagkakataong makinig ulit sa kanya dahil parang wala akong ginagawa kagabi kung hindi tumanga lang sa kwarto.


Anyway, kagabi, nakakinig ako sa program ni Papa Jack..
Naabutan ko yung isang caller, nagkukwento na about sa love problem niya…
Siya daw kasi ay iniwan ng kanyang “girlfriend” (babae yung caller ha…).
Bitterness ang eksena. Pero umiiyak siya. Dahil in a way hindi niya matanggap na iniwan siya ng kanyang girlfriend. Binigyan siya ng pagkakataon ni Papa Jack para sabihin ang lahat ng nais niyang sabihin sa taong iyon…

Sorry…

Mahal na mahal kita…

PAALAM…

Ang hirap ng mga sinabi niya… At ako’y  napaisip…
Sa totoo lang, ginusto ko ring tumawag sa programa na iyon  sa radyo.
Paano, baka kailangan ko ring masoplak ni Papa Jack sa mukha ng kanyang mga makatotohanang payo.Mga payo  na alam kong hindi ko na kailangan pang marinig sa iba, pero hindi ko pa rin ginagawa.

Magpaalam.

Magsorry.

Mag move on.

Maging masaya para sa kanya.
Maging masaya para sa sarili ko.
Magmahal ulit.

Dahil kung sana madali lang… Hindi na siguro lahat mahihirapan gawin lahat ng mga yan…

Hindi ba?