Tuesday, January 3, 2012

sorry, thank you, goodbye

gusto ko lang magpakatotoo, oo friend tayo, pero hindi naman yun ang gusto ko,
nahihirapan din ako, lalo na pag nakikita ko yung mga picture nyo ng asawa mo.
narealize ko kasi na hindi tama. hindi tama na magmahal ako ng tulad mo...

hindi ako pwedeng maghintay sayo habang buhay. imposible yun.
wala akong karapatang masaktan o magtampo man lang.
hindi alo pwedeng basta nalang maglambing sayo kahit txt man lang.

mahal kita,.... kaya ko nagawang i-unfriend ka sa facebook.
hindi na naten kaylangang mag usap or mag chat.
paalam na sayo. kahit ako mismo mahihirapan din ako.

masaya ako para sayo, kahit ang ending ng buhay ko hindi ikaw
ang kasama ko. mahal ka nya,... alam ko yun. kaylangan ko na kasing
magsimula ng bagong buhay. 

ang hirap naman kasi maghanap ng tulad mo.....
hindi din naman kasi kita pwedeng angkinin.
hindi din kita pwedeng tawaging akin. gano kahirap yung
ako lang ang nagmamahal?

salamat sa mga oras na napapasaya mo ako, sa tuwing katxt kita or kausap kita.
salamat sa mga conversation natin, sa mga confession natin sa isat isa.
utang na loob ko sayo yung mga oras na yun,...  kasi ng mababaw ako.
mag missed call ka nga lang kinikilig na ako.

pasensya ka na kung nagsuplado ako nung magtxt ka, ayoko kasi ng magandang ala-ala
sa pag limot ko sayo. mahihirapan lang kasi ako kung  magpapaalam ako ng maayos.
baka hindi ko lang maituloy. ayoko na din kasing humaba pa usapan naten.
isa pa, baka mabasa pa ng asawa moh, mag-aaway nanaman kayo.

hindi kita malilimutan, isa kang masayang ala-ala para sakin.
madami kong natutunan sayo.
ipagpapatuloy ko ang buhay ko ng masaya. pipilitin ko kahit wala ka.
ito na salitang hindi ko kayang banggitin sayo... paalam na sha,...
mahal na mahal kita.

No comments:

Post a Comment