Friday, November 4, 2011

ikaw lamang

kahit binibiro kita,
kahit sinasabi ko na hindi ka maganda, 
ang totoo, inlove na inlove
ako sayo......

kahit medyo tumataba ka na, 
para saken ikaw parin
ang pinaka sexy sa paningin ko.

kahit siguro di ka magsuklay,
model ng shampoo parin ang tingin ko sayo.

mahal na mahal kaya kita.....

kaya anung laban ni
shamsey supsup sa ganda mo?
eh para saken ikaw ang
miss universe ng buhay ko. 

kahit maraming babae sa blog ko,
wag kang magtatampo ha...
kase nag-iisa ka lang naman sa puso ko...


Thursday, October 13, 2011

dear , ate charo...

Una sa lahat walang virus ang site ko. tapos mag kaka-virus pa ang blog me?! Ano ba nagawa kong kasalanan sa mundo ng internet?

Ang sakit Ate Charo.

Matagal kong naging hingahan ng sama ng loob ang blog na itwu, naging kandungan sa malalamig na gabi. Charot!

Ampotah naman wala na ngang nag babasa nito i-block pa ng google?! Kamown! It's so unfeeeyr! Gusto kong mag wala sa galit. Gusto kong basagin ang bungo ng kapitbahay kong walang humpay mag luto ng curry. Gusto kong punitin ang damit ko habang nasa shower tapos lumuluha at dumadausdus ang likod sa pader. Sumisigaw ng ang dumi-dumi ko!

Arte lang.

Siguro panahon na talaga para ihinto ang blog na itwu. Panahon na para harapin ang tunay na hamon ng buhay. Panahon na para makibaka at labanan ang kurapsyon sa lipunan. Alisin ang bulok na kamatis sa basket ni Mama. Panahon na para magbago. Panahon naaaaaaaa ng talikuran ang nakaraan at harapin ang bukas. Tulad ng kasabihan time is Gold. Oo walang kunek masyado.

la lang kakatamad na kasi mag blog.....
lalo na kung ako lang talaga ang mag isang nagbabasa.
blog ko, basa ko? ganun? wala na nga akong kaibigan eh,
magkaka virus pa? san ko pa ilalabas ang mga hinanakit ko sa buhay
lalo na ang kawalan ko ng love life.
di muna siguro ako magbblog. gusto ko munang mapag isa....
arte much?!...

Friday, September 23, 2011

''soap opera''

ang bango-bango ng bagong sabon na inutang ko sa aking friend. Nasa box niya ang pangalang oat milk, so malamang gawa siya sa gatas at oats. Duh? Minsan nga naisipan ko na siyang kainin dahil wala talagang pagkain sa bahay. Umandar na naman ang pagka hungry dead.
Para siyang sampaguita na may halong ¼ ounces of roses, pinch of mint at
1000 na patak ng luha ni allie hamilton. (the notebook?)

Ang sarap isabon dahil may oats, lalo na sa mga lugar sa katawan na mahirap abutin. Masarap kasi para ka lang nag sascrub, nakikiliti ang betlogs ko pagsinasabon ko siya. Amazing talaga dahil pagtingin ko sa betlogs ko ….shiny na!

Okay, hindi ako papasa bilang product reviewer.
Fetish ko ang mabango. Sa tuwing paglabas ko ng banyo pagkatapos maligo, para lang akong rebulto na inalayan ng bulaklak. Ganun siya kabango. Kaya kahit sa bango man lang, feel ko na ang linis ng budhi ko, walang bahid ng immoralidad at intact parin ang kamalayan kahit na wasak na wasak na ang mukha.

 Medyo may kamahalan lang ng kunti ang bagong sabon ko. At ang daling maubos. Siguro nga dahil gawa siya sa gatas. Pero bago ko pa gamitin ang sabon na to, meron na akong regular na sabon na ginagamit. Hindi man siya ganun ka bango kumpara sa oat milk, tiwala pa rin ako sa kapabilidad niya na magbigay sakin ng long lasting kaligayahan. Walang shiny balls after bath, but a pure feeling of satisfaction. Weh?

Sa dami ng “options” sa mundo sa lahat ng bagay, nakakasakit na sa ulo ang mamili. Kadalasan, papalit palit tayo ng ginagamit dahil kulang, tapos hahanap na naman ng bago, at kulang na naman o hindi ka masaya dahil nga, kulang. Ang dali lang siguro pumili kung ang pagpipiplian ay pula o sa puti lang, o di kaya pera o bayong, pwede ring hirap o sakit. Teka, parang pareho lang no?

Di rin nagtagal bumalik ulit ako sa dating sabon na ginagamit ko. Ganyan naman talaga parati. Kailangan sumubok ng iba. Dahil sa kabila ng papalit palit natin sa pagpili ng mga bagay, mas lalo nating nalalaman kung sino at ano ang dapat nating bigyan ng halaga.
Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,

Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.

Sunday, September 11, 2011

"buhay ng isang kabet"

Minsan sa buhay kailangan
malugmok sa kasalanan. Alam
mong mali pero hindi mo kayang
talikuran. Dito ka masaya kahit
alam mong sa huli ikaw mismo
ang masasaktan. Kailangan magpakabaliw, at sa bawat
sandali na gigising ka sa
katotohanan, iiyak ang lahat ng
sakit at tawanan lang ang
katangahan. Nakakapagod pero hindi
nakakasawa. Paulit-ulit. Kelan
ako titigil? ………….Saka na pag hindi ko na
kaya. Balang araw, maiintindihan rin
namin ang lahat.

Thursday, September 8, 2011

Dear future wife,....

Hindi naman sa nagrereklamo ako, nakakainip lang kasi maghanap at maghintay. hihihi. Nakakasawa ng matulog sa bawat gabing malamig at wala akong katabi sa kama. Bukod sa nangangalay na ang kamay ko (left and right), namimiss ko na yung feeling na may kayakap at kafrench kiss ako. LOL. 

Madali lang naman sa akin makipagtrade ng laway at magbasketball sa 'court' ng iba, pero iba pa rin yung feeling na ginagawa mo yun sa babaeng gusto mong makasama habangbuhay di ba? 

Future Wife
Gusto ko ng magkaanak. Gusto ko ng magkaroon ng mini-me, kung pwede nga lang magkaroon tayo ng kambal. Yung tipong mga anak ni Aga at Charlene. Pero gusto ko yung healthy twins, wag yung magkadikit ang ulo. 

Sa katunayan, excited na nga sina Mama at Papa na magkaroon ng apo. At mas excited naman akong isakatuparan ang pangarap nilang yun. Haha. 

Pag naging asawa na kita, hindi mo pagsisisihan. Mamahalin ko kayo ng mga magiging anak ko habang nabubuhay ako. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan nyo. Hinding-hindi kita pagbubuhatan ng kamay. Hindi kita sasaktan. Bagkus, sa ibang paraan ka lang masasaktan pag ako ang iyong minahal. (Ibulong ko sa'yo kung ano yun pag nagkita tayo!

Marunong naman akong magluto kahit papano. Tutulungan din kitang maglaba pag napapagod ka na. Ako mag-aalaga sa'yo at sa mga anak natin kapag nagkakasakit kayo. Ako ang tutulong sa inyo sa pagbuo ng mga pangarap nyo. Magiging cool husband and daddy ako at siguradong magiging happy family tayo. 

Hindi man ako mayaman tulad ng mga Ayala o Cojuangco, o kasing talino nina Einstein o Galileo, pero isa lang ang maipapangako ko: mabibigyan kita ng magandang lahi, yan ay sigurado.  


Sunday, August 7, 2011

jonally linda (crush ko nung high school)

may crush ako nung nag aaral pa ako,
1st year palang ako nung una ko syang
 nakita. kaganda nya talaga, pero ang
 nakakatawa, hindi ko nalaman ang pangalan
 nya kase simple lang syang estudyante
 kaya di masyadong matunog ang pangalan nya.
 pero ang alam ko matalino yun.  hanggang
sa maka graduate ako ng high school.
pero minsan nakikita ko sya
sa palengke kasi dun sya nagtatrabaho.

hanggang sa isang araw sa isang araw,
sa computer shop ng isa ko pang crush
 na si ate mia (sumegway pa talaga?)
may nakatabi akong cute na lil' girl...
bigla akong may naalala, sabi ko sa sarili
 ko; ''kahawig nya si....?"  di ko alam
 ang pangalan eh. at dahil makapal naman
 ang muka ko, bumatat ako kay cute lil'girl
ng pachambang tanong kasi magkamuka
talaga sila.

alvin:  hi!... taga dun ka ba sa likod ng GCI?

lil'girl; opo...

alvin; ate mo ba si...........? sino nga ba yun?

lil'girl: jonally po ba?...

alvin; yata.... di ako sure eh... i mean hindi
ko kasi alam ang pangalan nya... ahihih...
(nun ko lang nalaman ang pangalan nya.)

lil'girl:  yung nagtatrabaho po ba sa palengke?

alvin;  ay!! bongga! ikaw na ang pinoy henyo...
yun nga....  ate mo sya?
may asawa na ba yung ate mo?

lil'girl:  wala pa po...

alvin; talaga? hahahah!!! ayylabbbettt.....
may facebook ba sya? kung meron pwedeng
 paki type?

at sya nga ang nag type ng email add. at yun nga,..
nahanap namin agad.

alvin; bakit ganito ang relationship status nya?
"in a relationship" sya oh.... ( na-shock ako that time,
hinimatay yata ako ng mga 5 seconds. charot!!)

lil'girl:  may boyfriend na po kasi sya, taga san jose.

medyo nakipag chikahan pa ako ng konti kay cute
lil'girl at sa isang kasama nyang bata. sinabi ko na
crush ko yung ate nya nung high school ako.
(kapal ko noh?)

nag down load ako ng isa sa profile picture nya,
kaya eto na po sya.


sabi ko isa lang, tatlo pala. sorry naman.....
at yan nga po, ipinapakilala ko
sa inyo si jonally linda.

Saturday, August 6, 2011

"tula para kay shasha"

Pagmamahal ko sa'yo ay di matatapatan
Handa akong sisirin lalim nang karagatan
Bawat pagsubok ay gagawan ko nang paraan
Ikaw lamang ang mamahalin magpakailanman


Pagmamahal ko sa'yo ay syang nagsisilbing lakas
Kadahilanang  nagagawang  harapin ang bukas
Patak nang mga luha ko ang naiiwang bakas
Sa pag-ibig kong ito na walang kasing wagas


Pagmamahal ko sa'yo ay panghabangbuhay sinta
Hindi iindahin anumang hirap basta kasama kita 
Nagpapasalamat sa Panginoon na ikaw ay nakilala
Sapat ka na sa akin at wala nang mahihiling pa.


parang fliptop lang noh?