Friday, December 16, 2011

bagong pag-ibig


me bago ako kras..... hahahah.... nakilala ko saya kahapon, xmas party kasi ng anak ko
kahapon at nagpunta ako, dun ko nakilala ang magandang mommy ng classmate ng anak ko.
masaya ang xmas party nila, lalo na ako. hahahah... masaya ako sa mga oras na yun, kasi
habang nagchichikahan lahat ng nanay eh ako naman ay dumidiskarte kay arlenn (pangalan ng chikas)

sa pakikipag daldalan ko sakanya marami akong nalaman tungkol sa kanya. hiwalay din pala
sya sa asawa, nalaman ko din na taga east din pala sya, taga dun kila shella (xwife)
nung magkausap kami, di namni namalayan ang oras, patapos na pala ang party, hahahah...
bago kami maghiwalay syempre nakipag palitan ako ng e-mail add. eto pa malupet,...
hiningi nya cp # ko. ahihih..... kinilig me ng bongga.... halos wala akong pag sidlan ng kilig
kase puno pa ng milo yung tumbler me.. juk.. napatalon ang betlogs ko ng sing taas ng
eiffel tower. juk ulet.... edi yun na nga... nakatxt ko na sya kanina, pero hindi ko pa
naaaccept yung friend request nya sa peysbuk. ayoko kasing makita nya itong blog na toh.

ektweli.... kaya lang naman ako nag blog eh gusto ko lang ishere sa inyo ang feelings ko.
kahit alam kong mag isa lang akong nagbabasa nito [insert sad smilley] arte lang.....
 hindi ko na patatagalin pa. ipapakita ko na sa inyo si pantasya.. hahahah.....

ipinapakilala ko sa inyo si arlenn cruz....
at eto ang ninakaw kong piktyur sa profile nya.


sya nga pala,.. sa isang table lang kami kumain
habang nagkukuwentuhan. sya, ako, anak nya,
at anak ko. para kaming isang pamilya noh?
(assuming?...)

Friday, November 4, 2011

ikaw lamang

kahit binibiro kita,
kahit sinasabi ko na hindi ka maganda, 
ang totoo, inlove na inlove
ako sayo......

kahit medyo tumataba ka na, 
para saken ikaw parin
ang pinaka sexy sa paningin ko.

kahit siguro di ka magsuklay,
model ng shampoo parin ang tingin ko sayo.

mahal na mahal kaya kita.....

kaya anung laban ni
shamsey supsup sa ganda mo?
eh para saken ikaw ang
miss universe ng buhay ko. 

kahit maraming babae sa blog ko,
wag kang magtatampo ha...
kase nag-iisa ka lang naman sa puso ko...


Thursday, October 13, 2011

dear , ate charo...

Una sa lahat walang virus ang site ko. tapos mag kaka-virus pa ang blog me?! Ano ba nagawa kong kasalanan sa mundo ng internet?

Ang sakit Ate Charo.

Matagal kong naging hingahan ng sama ng loob ang blog na itwu, naging kandungan sa malalamig na gabi. Charot!

Ampotah naman wala na ngang nag babasa nito i-block pa ng google?! Kamown! It's so unfeeeyr! Gusto kong mag wala sa galit. Gusto kong basagin ang bungo ng kapitbahay kong walang humpay mag luto ng curry. Gusto kong punitin ang damit ko habang nasa shower tapos lumuluha at dumadausdus ang likod sa pader. Sumisigaw ng ang dumi-dumi ko!

Arte lang.

Siguro panahon na talaga para ihinto ang blog na itwu. Panahon na para harapin ang tunay na hamon ng buhay. Panahon na para makibaka at labanan ang kurapsyon sa lipunan. Alisin ang bulok na kamatis sa basket ni Mama. Panahon na para magbago. Panahon naaaaaaaa ng talikuran ang nakaraan at harapin ang bukas. Tulad ng kasabihan time is Gold. Oo walang kunek masyado.

la lang kakatamad na kasi mag blog.....
lalo na kung ako lang talaga ang mag isang nagbabasa.
blog ko, basa ko? ganun? wala na nga akong kaibigan eh,
magkaka virus pa? san ko pa ilalabas ang mga hinanakit ko sa buhay
lalo na ang kawalan ko ng love life.
di muna siguro ako magbblog. gusto ko munang mapag isa....
arte much?!...

Friday, September 23, 2011

''soap opera''

ang bango-bango ng bagong sabon na inutang ko sa aking friend. Nasa box niya ang pangalang oat milk, so malamang gawa siya sa gatas at oats. Duh? Minsan nga naisipan ko na siyang kainin dahil wala talagang pagkain sa bahay. Umandar na naman ang pagka hungry dead.
Para siyang sampaguita na may halong ¼ ounces of roses, pinch of mint at
1000 na patak ng luha ni allie hamilton. (the notebook?)

Ang sarap isabon dahil may oats, lalo na sa mga lugar sa katawan na mahirap abutin. Masarap kasi para ka lang nag sascrub, nakikiliti ang betlogs ko pagsinasabon ko siya. Amazing talaga dahil pagtingin ko sa betlogs ko ….shiny na!

Okay, hindi ako papasa bilang product reviewer.
Fetish ko ang mabango. Sa tuwing paglabas ko ng banyo pagkatapos maligo, para lang akong rebulto na inalayan ng bulaklak. Ganun siya kabango. Kaya kahit sa bango man lang, feel ko na ang linis ng budhi ko, walang bahid ng immoralidad at intact parin ang kamalayan kahit na wasak na wasak na ang mukha.

 Medyo may kamahalan lang ng kunti ang bagong sabon ko. At ang daling maubos. Siguro nga dahil gawa siya sa gatas. Pero bago ko pa gamitin ang sabon na to, meron na akong regular na sabon na ginagamit. Hindi man siya ganun ka bango kumpara sa oat milk, tiwala pa rin ako sa kapabilidad niya na magbigay sakin ng long lasting kaligayahan. Walang shiny balls after bath, but a pure feeling of satisfaction. Weh?

Sa dami ng “options” sa mundo sa lahat ng bagay, nakakasakit na sa ulo ang mamili. Kadalasan, papalit palit tayo ng ginagamit dahil kulang, tapos hahanap na naman ng bago, at kulang na naman o hindi ka masaya dahil nga, kulang. Ang dali lang siguro pumili kung ang pagpipiplian ay pula o sa puti lang, o di kaya pera o bayong, pwede ring hirap o sakit. Teka, parang pareho lang no?

Di rin nagtagal bumalik ulit ako sa dating sabon na ginagamit ko. Ganyan naman talaga parati. Kailangan sumubok ng iba. Dahil sa kabila ng papalit palit natin sa pagpili ng mga bagay, mas lalo nating nalalaman kung sino at ano ang dapat nating bigyan ng halaga.
Hindi na importante kung magkamali man, ang importante kung pano natin balikan ang ating iniwan at sabihing,

Sorry na. Ikaw naman talaga ang gusto ko.

Sunday, September 11, 2011

"buhay ng isang kabet"

Minsan sa buhay kailangan
malugmok sa kasalanan. Alam
mong mali pero hindi mo kayang
talikuran. Dito ka masaya kahit
alam mong sa huli ikaw mismo
ang masasaktan. Kailangan magpakabaliw, at sa bawat
sandali na gigising ka sa
katotohanan, iiyak ang lahat ng
sakit at tawanan lang ang
katangahan. Nakakapagod pero hindi
nakakasawa. Paulit-ulit. Kelan
ako titigil? ………….Saka na pag hindi ko na
kaya. Balang araw, maiintindihan rin
namin ang lahat.

Thursday, September 8, 2011

Dear future wife,....

Hindi naman sa nagrereklamo ako, nakakainip lang kasi maghanap at maghintay. hihihi. Nakakasawa ng matulog sa bawat gabing malamig at wala akong katabi sa kama. Bukod sa nangangalay na ang kamay ko (left and right), namimiss ko na yung feeling na may kayakap at kafrench kiss ako. LOL. 

Madali lang naman sa akin makipagtrade ng laway at magbasketball sa 'court' ng iba, pero iba pa rin yung feeling na ginagawa mo yun sa babaeng gusto mong makasama habangbuhay di ba? 

Future Wife
Gusto ko ng magkaanak. Gusto ko ng magkaroon ng mini-me, kung pwede nga lang magkaroon tayo ng kambal. Yung tipong mga anak ni Aga at Charlene. Pero gusto ko yung healthy twins, wag yung magkadikit ang ulo. 

Sa katunayan, excited na nga sina Mama at Papa na magkaroon ng apo. At mas excited naman akong isakatuparan ang pangarap nilang yun. Haha. 

Pag naging asawa na kita, hindi mo pagsisisihan. Mamahalin ko kayo ng mga magiging anak ko habang nabubuhay ako. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan nyo. Hinding-hindi kita pagbubuhatan ng kamay. Hindi kita sasaktan. Bagkus, sa ibang paraan ka lang masasaktan pag ako ang iyong minahal. (Ibulong ko sa'yo kung ano yun pag nagkita tayo!

Marunong naman akong magluto kahit papano. Tutulungan din kitang maglaba pag napapagod ka na. Ako mag-aalaga sa'yo at sa mga anak natin kapag nagkakasakit kayo. Ako ang tutulong sa inyo sa pagbuo ng mga pangarap nyo. Magiging cool husband and daddy ako at siguradong magiging happy family tayo. 

Hindi man ako mayaman tulad ng mga Ayala o Cojuangco, o kasing talino nina Einstein o Galileo, pero isa lang ang maipapangako ko: mabibigyan kita ng magandang lahi, yan ay sigurado.  


Sunday, August 7, 2011

jonally linda (crush ko nung high school)

may crush ako nung nag aaral pa ako,
1st year palang ako nung una ko syang
 nakita. kaganda nya talaga, pero ang
 nakakatawa, hindi ko nalaman ang pangalan
 nya kase simple lang syang estudyante
 kaya di masyadong matunog ang pangalan nya.
 pero ang alam ko matalino yun.  hanggang
sa maka graduate ako ng high school.
pero minsan nakikita ko sya
sa palengke kasi dun sya nagtatrabaho.

hanggang sa isang araw sa isang araw,
sa computer shop ng isa ko pang crush
 na si ate mia (sumegway pa talaga?)
may nakatabi akong cute na lil' girl...
bigla akong may naalala, sabi ko sa sarili
 ko; ''kahawig nya si....?"  di ko alam
 ang pangalan eh. at dahil makapal naman
 ang muka ko, bumatat ako kay cute lil'girl
ng pachambang tanong kasi magkamuka
talaga sila.

alvin:  hi!... taga dun ka ba sa likod ng GCI?

lil'girl; opo...

alvin; ate mo ba si...........? sino nga ba yun?

lil'girl: jonally po ba?...

alvin; yata.... di ako sure eh... i mean hindi
ko kasi alam ang pangalan nya... ahihih...
(nun ko lang nalaman ang pangalan nya.)

lil'girl:  yung nagtatrabaho po ba sa palengke?

alvin;  ay!! bongga! ikaw na ang pinoy henyo...
yun nga....  ate mo sya?
may asawa na ba yung ate mo?

lil'girl:  wala pa po...

alvin; talaga? hahahah!!! ayylabbbettt.....
may facebook ba sya? kung meron pwedeng
 paki type?

at sya nga ang nag type ng email add. at yun nga,..
nahanap namin agad.

alvin; bakit ganito ang relationship status nya?
"in a relationship" sya oh.... ( na-shock ako that time,
hinimatay yata ako ng mga 5 seconds. charot!!)

lil'girl:  may boyfriend na po kasi sya, taga san jose.

medyo nakipag chikahan pa ako ng konti kay cute
lil'girl at sa isang kasama nyang bata. sinabi ko na
crush ko yung ate nya nung high school ako.
(kapal ko noh?)

nag down load ako ng isa sa profile picture nya,
kaya eto na po sya.


sabi ko isa lang, tatlo pala. sorry naman.....
at yan nga po, ipinapakilala ko
sa inyo si jonally linda.

Saturday, August 6, 2011

"tula para kay shasha"

Pagmamahal ko sa'yo ay di matatapatan
Handa akong sisirin lalim nang karagatan
Bawat pagsubok ay gagawan ko nang paraan
Ikaw lamang ang mamahalin magpakailanman


Pagmamahal ko sa'yo ay syang nagsisilbing lakas
Kadahilanang  nagagawang  harapin ang bukas
Patak nang mga luha ko ang naiiwang bakas
Sa pag-ibig kong ito na walang kasing wagas


Pagmamahal ko sa'yo ay panghabangbuhay sinta
Hindi iindahin anumang hirap basta kasama kita 
Nagpapasalamat sa Panginoon na ikaw ay nakilala
Sapat ka na sa akin at wala nang mahihiling pa.


parang fliptop lang noh?

Thursday, July 28, 2011

"my childhood sweetheart"

ilang beses ko na din yata syang nabanggit sa blog ko. sya din kasi yung first kiss ko.
click here:
parang namiss ko sya? nasan na kaya sya? may asawa na kaya sya?

tutal eh hi-tech na tayo ngayun eh naisipan ko syang hanapin sa facebook
(malay moh, baka meron...) at dahil common ang pangalan nya madaming lumabas
sa results kaya inisaisa ko sila. at dahil sa pagttyaga, nahanap ko din sya. 
pagdating sa profile picture nya inisaisa ko din.
at ito ang nakita ko.



ampotah!! nag-asawa na pala sya? di man lang ako nahintay.
para 10 years lang kaming hindi nagkita eh lumandi na sya?!! charot!.....
susme..... hinimatay ako ng 5 seconds after ko makita yang picture na yan
promise!!...........

yan po si melanie mendoza na unang 
nagpatibok ng aking puso....
(susss... meganung  segwey pa?)

Wednesday, July 27, 2011

mali pala ako

isang gabi, nagtxt si shasha, at ang sabi:



Natuwa ako at inakala ko na gumawa sya ng account para saming dalawa. nasabi ko nalang sa sarili ko na "aba, nag effort yata sya para mapasaya ako? Ano kaya ang nakain ng bruha.? pwede ko na sya lambingin. pwede na ako mag post sa wall nya. Kaya kinabukasan di muna ako pumasok sa trabaho. Diretso sa computer shop ng magandang si ate mia. inopen ko facebook account ko at syempre search ko yung email na binigay nya nung mahanap ko inadd ko agad. Online pala sya nung oras na yun. Kaya agad din nya akong na accept.

Nag post ako ng ilang link na ginawa ko sa blogger account ko. At my kasamang "i love you" pa.

Di ko alam na antaas pala ng expectation ko. Nag demand pa ako ng kung anu-an0 sakanya. kinabukasan inopen ko ulit ang facebook ko, nag reply na pala sya. At ang sabi ay:

"di pwede yung gusto mo. iaadd ko dito yung mga pinsan at relatives ko...

Napahiya ako. bigong bigo ako kase hindi yun ang inaasahan ko. Andamot nya pala. Di man lang ako binigyan ng pagkakataon na maging masaya. sa sobrang dismaya ko inalis ko sya sa friends list kahit labag sa loob ko.



ps: wag ka nang magpaparamdam. Ayoko na makarecive ng email or txt mula sayo. gagawin ko lahat. Makalimutan lang kita.

Saturday, July 23, 2011

WHY I LOVE YOU......



i love you for  so many reasons
big and small
but all of them ere wonderful.

i love you for all special qualities
that make you one of the kind...
the only one in the world for me.

i love you for the things you do
that bring such special meaning to my life.
i love you for the silent times
where your eyes and arms tell me all i want to know.

i love you
just because i do...

because now
in the deepest part pf my heart...
a place where there  was nothing before
there is love.



love always,
alvin v. a.k.a. berdugo

wala akong love life........

nakaka inggit, maskit, nakaka irita, 
nakaka gago, pero wala naman akong
karapatan. 

yan ang nararamdaman ko ngayon.
kasi yung crush ko kasi andito lang 
sa malapit saken habang ginagawa 
ko itong blog ko.

andito kasi yung bf nya.... 
nakikita ko sila na magkayakap,
nagkikilitian, parang nadudurog 
ang puso ko. 

mas lalo ko tuloy naramdaman na 
nag iisa nalang ako.  wala kasi akong 
love life... ang nakikita nyo sa facebook
ko eh eching lang. trip lang namin ni lala.

pag mag isa nalang ako, dun palang ako
nakakaramdam ng kalungkutan. 
ang hirap pala ng walang nagtetext sayo ng 
''i love you'' ''kumain ka na ba?" 
" i miss you"....

sa kabila ng pagiging malambing ko. 
aakalain mo ba na mawawalan pa 
ako ng girlfriend? well.... eto kasi ang 
dahilan.....

kadalasan kasi nagmamahal ako ng may 
asawa o may karelasyon na. ewan ko 
ba naman kase,... bakit sakanila pa.

sa ngayon naghihintay ako ng tunay na
magmamahal sakin kahit gano ako kasuplado
umaasa parin ako na magkakaroon ako ng
tinatawag nila na LOVE LIFE.........


sana bumalik na si allie sa buhay ko.
baka sakaling bumalik yung ngiti sa 
muka ko para mahawi ang luha.....

Wednesday, July 20, 2011

my crush ako (part 2)

may crush nanaman ako,..... hihihih......
anu ba kayo..... la naman masama dun.
nagagandahan lang ako sakanya.....
cute kasi syang bata. kahit parang
kaedad nya lang yung panganay ko.
wahahah.. (child abuse?)

Monday, July 18, 2011

walang iba, ikaw lang......

kahit sabihin nyong maraming babaeng naka post dito.
iisang babae lang ang mahal ko..............


kilala nyo ba sya?..... sa hindi nakakaalam,
sya po si felisha sta.romana vergara.

Saturday, July 16, 2011

''my first kiss''

Lahat tayo ay may kanya-kanyang hindi malilimutang FIRST TIME.

First time na... maglakbay mag-isa, sumakay ng eroplano, mabigo, magka-crush, mainlove at syempre ang pinaka-memorable sa lahat - ang FIRST KISS.

Habang pinapanood ko ang dalawang batang nasa video na kilig na kilig habang naghaharutan at naglips-to-lips pa, bigla ko tuloy naalala.. kelan nga ba ko unang nakatikim ng halik?

*flashback*

2010, 2009, 2008, 2007, 2006, 2005..... 1998!!!

Basta ang naaalala ko noon, nakikipaglaro ako ng bahay-bahay sa kaibigan kong babae - si melanie. At dahil malaki yung lumang bahay ng lola ko, niyaya ko siya sa ikalawang palapag ng bahay. Sabay kaming dumungaw sa balkonahe at masayang kumaway sa mga taong dumadaan sa kalsada. Matapos ang eksenang yun, niyaya ko na siya sa kuwarto at nagpasyang ituloy ang aming paglalaro. 

alvin: "Kunwari ikakasal tayo ha? Tapos magkikiss tayo. Pagkatapos nun, ikaw na si Mommy, ako naman si Daddy." (kung gagawin ko yan ngayon manyakis na ang dating. hehe)
melanie: "Oh sige!" (sabay kutitap ng kanyang mga mata na tila naeexcite sa aming laro na noong mga panahon na iyon ay wala pang malisya.)
alvin: "Gusto mo ba ko maging asawa?"
melanie: "Oo gusto ko. Ikaw, gusto mo din ba ko maging asawa?"
alvin: "Oo." 

Sabay kanta ko ng: Tan-tan-ta dan.. Tan-tan-ta-dan... (tunog pangkasal)

(kinilig ang betlog ko nung mga panahon na yun. LOL) 

Sabay kaming nag...

        Eyes-to-eyes...

        Nose-to-nose...

        Lips-to-lips... 

                At dun ko unang natikman ang tamis ng unang halik. Hi Hi Hi. (may halong halinghing ang aking tawa.. LOL. Landi lang!)


Ikaw, kelan mo naranasan ang iyong first kiss? 

Isang Pagbabalik-tanaw

   Habang ako'y mag-isa at tahimik na naglalakad sa damuhang bahagi ng daan, pumukaw sa aking maamong mata ang ilang bagay na nagpasariwa at muling nagpabalik sa aking kabataan..




Ikaw, alam mo ba ang tawag sa bulaklak na 'to?


     Bigla akong napangiti at naalala ang tamis ng kahapon... (arte lang! lol) Eto kasi yung madalas laruin namin nung childhood sweetheart ko tuwing nagbabahay-bahayan kami. Ako yung uutusan niyang magharvest kuno sa aming hacienda ng golden fruit (na ampalayang ligaw lang pala sabi ni mama), strawberry (na nung lumaki ako ay tsaka ko lang nalaman na bunga pala yun ng makahiya), at yung flower na mukhang pussy na madalas kong ibigay sa aking kalarong babae tuwing nagkikita kami sa harapan ng aming bahay.. 


       Ano na kayang itsura ni melanie? (childhood sweetheart) ngayon? May asawa na kaya siya at happily married?! Bitter as ampalaya ako kung magkataon.. Kasi ako single pero pogi pa rin.. Pero mahiyain kasi yun na parang 'makahiya' kaya feeling ko single pa rin siya tulad ako.. Ayieeeee.. May pag-asa pa ko.. At if ever man na magkita kami sa dati naming tagpuan sa taniman ng mais ni Aling Coring, bibigyan ko siya ng flowers... not roses, not tulips, but.... one bouquet of 'pussy' flower! 


Bwahahaha! Kuha mo?!!

if you were here...


 if you were by my side
And about to crumble over something
I'd probably secretly offer my hand
Without saying a word
I want to always gaze at the miracle
Happening beneath this sky
The sunlight comin' through a window
The focus point still looks kind of off
I don't want to wake up, because I want to dream a little longer
Even though I really love this moment, to me
You seem to be a sleepin' mermaid, right up to your fingertips
Stay with me; I want to smile brightly and just stay by your side...
Though I can't say anything
But trite words right now,
Everything just as it is
What kind of future can I see
Inside of flowing time?
We will always
Believe in tomorrows drawn with hope
When you are covered in darkness
I'll become your light--I'm not afraid
A lot of time went by, I wish we could stay this way, I dream of the future
If I shed tears, it's from laughing so hard, so together we'll make up the vivid color
Unpretentious words for you: I wanna be with you...
I want to forever embrace
A kindness so gentle it overflows...



Monday, July 11, 2011

may crush ako..........

cel toliongco


crush lang naman,..... di ko liligawan kasi
 napaka bata nya para saken, ahihih.......
cute syang bata noon,... ambilis ng panahon,
ang batang naglalaro ng jack stone noon,
dalaga na ngayon. bwahihih... crush ko sya,...
kung bakit? tingnan nyo nalang....





oh diba?..... cute sya noh? kakagigil....
wahahah.... pag bumubili sya sa tindahan
na tinatambayan ko, abot singit hanggang
 betlog ang kilig ko. pwamish........

Sunday, July 10, 2011

love



Love comes, whether you are ready or not.

It's an uncontrollable force,

That pierces the heart and captures the

mind.

Love can be rewarding or pain,

When another doesn't feel the same
.
Love is everywhere.

But elusive when sinking A bait.

You pull it in, or you have to wait.

the promise


Forever is not today

forever in not tomorrow

for ever is also not a century 

that will come 

but yet forever is...

a life time....

and i will always love you

forever!!!....


Saturday, July 9, 2011

yes i do....

Dati madalas kong ipagdasal kay Lord na sana dumating na yung time na may makilala akong isang taong makakapagpasaya sa akin. Yung tipo ng taong gugustuhin kong makasama hanggang pagtanda.. Yung taong magsisilbing inspirasyon ko hanggang sa maabot ko lahat ng mga pangarap ko,  at siya yung buong puso kong mamahalin hanggang sa kabilang buhay.  Madalas ko pa nga binibiro si Lord na gusto ko, bago sumapit ang 25th birthday ko, makilala ko na siya. Pero mapagbiro talaga ang tadhana.

Sinubukan ko naman makipagkilala at makipagdate sa iba. May magaganda, may matatalino, may simple lang, may matured na, pero mailap pa rin sa akin ang kapalaran hanggang sa dumating yung araw na nakilala kita. Sa isang iglap, nagkagusto ako sa’yo. Alam mo yung pakiramdam na lahat gusto mong ibigay sa taong yun para lang mapasaya siya? Lahat gagawin mo para lang maramdaman nyang ispesyal pala sya dahil hindi niya alam yun sa sarili niya. Gusto mo siya yakapin ng mahigpit kapag umiiyak at nasasaktan na siya. Kaya mong ibigay lahat ng oras mo sa kanya para mapatunayan mong buong sarili mo ay inaaalay mo na sa kanya. Ganu’n ang naramdaman ko sa’yo nung dumating ka sa buhay ko.


Para sa’yo honey ko…

Hindi man ako kasing gwapo or kasing yummy ng ex-boyfriend mo, pero alam ko naman na dito sa puso ko nag-iisa ka lang at wala kang kaagaw.. (smile na, mas gusto ko pag nakatawa ka) :p

Sabi ko naman sa’yo, sa bawat luha na pumatak dyan sa mga mata mo noon, dobleng ngiti naman ang ipapalit ko ngayon.. alam ko hindi naman ako nabigo dun, alam mo yun  :-)

Nung sinabi ko sa’yong pangarap kong makasama ka hanggang pagtanda, seryoso ako nun at handa akong pagsilbihan ka at alagaan kahit pareho na tayong may tungkod at nakapustiso..

Gusto rin nga pala kitang ipakilala kay Mamita at sa mga kapatid ko.

Paulit ulit ko man sabihin sa’yo, pero totoo yun.. na ikaw talaga ang gusto kong mahalin sakali man mabuhay tayo sa isa pang pagkakataon..

Hindi ako magsasawang ulit ulitin sa’yo na mas lalo kitang minamahal habang lumilipas ang mga araw..

At hinding hindi rin ako magsasawang mangulit sa’yo at maglambing dahil eto talaga ang gusto kong gawin..

Huwag kang mag-alala hon,.. dahil hindi rin ako mapapagod na sabihing ‘I miss you’ kahit kausap pa kita..

S’ya nga pala, pag sinabi ko namang ‘I love you’ wag mo kong tawanan.. Basta masarap magmahal ang mga suplado, maniwala ka..

Salamat nga pala ha? kasi dahil sa’yo hindi na ko mainitin ang ulo ko..

Yun nga lang mas lalo ako naging suplado at isnabero.. :-(

Nagkusa na kasi akong umiwas sa mga taong gusto makipagkilala saken..

Hindi na rin po ako nag-eentertain ng mga babaeng nagtetxt o nagchachat sa akin..

In short, sa’yo na lang gustong umikot ng mundo ko..

Pagbigyan mo na ko at sana wag mo kong pagsasawaan..

Dahil kung wala ka, wala rin naman ako.. in short, walang TAYO.

Salamat dahil kung ano man ang meron tayo ngayon, malugod ko yun tinatanggap..

Best friends or  soulmates.. whatever you may call it.. I will still be the same guy who fell in love with you  
 1 month ago..

And I promise to stay in love with you today, tomorrow and ‘til eternity.

I love you… and I really do.



Tuesday, July 5, 2011

"crush kita... noon pa"

Things seem so different. 

I get nervous when I see you. 

Yeah I have the confidence to talk to you but how awkward I feel.

Funny isn’t it? 

matagal na toh,.. nung high school pa tayo.

The fact na andito ako with these feelings welling up but cannot say anything.. Whoa!!.

Sobrang nahihiya ako eh. 

Sabihin mo ng torpe ako. 

I admit it. 

Natatakot lang siguro ako na kapag nalaman mo lahat ng nararamdaman ko sayo you’d turn away.

I may not be the most handsome person you’d encounter and meet but this heart of mine is waiting for you to acknowledge its beating.

I have liked you for some time now and clearly you don’t know I exist. 

Sorry ha. 

Talagang torpe lang. 

Pero sorry ah, it seems unfair na hindi mo malaman feelings ko.

Sunday, July 3, 2011

pangarap ko.

           dito ko gustong ikasal.... sa tabi ng dagat. sa boracay nga sana kung maaari,
            kaso di naman ako mayaman, nyahahah!!  ilang beses na ako nag asawa di
            ko pa naranasan na ikasal. puro kasal sa banig. nyahahah!! pero wala pa sa
            isip ko yan noh,.. ayoko pa! ikakasal lang ako kung si shasha. bwahihih..
            at gusto ko naka two piece din si father. hahahah... dyuk lang.....



                      sha naman yung gusto kong maging asawa,.. mahal na mahal ko yan.
                      yan si felisha sta.romana. sobrang mahal ko yan. walang ibang babae
                       para sakin kundi sya lang...
               yan din ang gusto kong bahay, pangarap ko kasi yung bahay na nasa malapit sa tubig.
                pero malayo sa mga tsismosang kapitbahay.

                    

Saturday, July 2, 2011

?

im t0o tired to h0ld on..

but i l0ve y0u to0 much to Let go..



Friday, July 1, 2011

every day



todays was just one of those days where everything i did

reminded me of you and every song i heard somehow related

to you. i hate days like today, because they remind me of  the

one thing i never have...