Thursday, June 30, 2011

MISSING........

         


                         KUNG SINO MAN PO ANG NAKAKAKILALA KAY
                 
                         FELISHA STA.ROMANA VERGARA


                        PAKISABI NAMAN PO NA MAHAL NA MAHAL KO SYA......    

i love you goodbye



sa araw-araw iniisip kita,
sana alam mo. pag gusto
kitang makita, umiiyak nalang
ako. kung gaano kita kamahal,
sana nararamdaman mo. at kung
gano ako kalungkot, sana alam
mo.


ito na siguro yung huli kong pag gawa
ng blog na para sayo. ito na din suguro
yung oras para itigil ko yung kalokohan
ko. kasi nga wala na akong dapat sabihin.
nasabi ko na sayo noon pa. kaya lang
ako nakagawa ng blog dahil sayo. kasi
wala akong maisip na paraan para masabi
 ko ito sayo. sana mabasa mo ito shasha.
gusto kong malaman mo na isa kang malaking
history sa buhay ko. paalam shasha..........

Sunday, June 26, 2011

mahal na kita ngayon.........

hi! noreen,.... sana naman mabasa mo ito....
di ko kasi kayang itxt sayo kase nahihiya ako.
matapos kitang awayin at pagsabihan ng hindi
maganda.

pero alam mo ba, namiss kita, yung mga pag txt
or pag tawag mo ng dis oras ng gabi, kahit na
inaaway lang kita, di ko napansin yung effort mo.
alam ko na gusto mo ako makakwentuhan.
pero wala akong time dun kasi maghapon akong nasa
trabaho.

ngayon ko lang naisip na napupuyat ka din sa pag hihintay
ng pag activate ng unli call mo. 10pm yun diba? tapos
pag nakatawag ka na, aawayin lang kita.

ngayon di ka na nagpaparamdam, di ka na din nagtitxt,
di ka na din tumatawag, tinext kita kagabi, di ka na din nag
reply. naintindihan kita dun. alam ko nagsawa ka na.

miss ko na yung ''babe'' ko. yun ang tawag ko sayo dati diba?
lagi mo pa sinabi sakin na minamahal mo na ako. pero
tinatawanan lang kita, kasi nga napaka bata mo para
sakin. 15 ka lang at ako 27 na. pero ngayon naisip ko
kailangan pala kita, naiianip ako pag wala ka. kailangan
ko pala ng tulad mo. ikaw lang kasi yung nakakapagpa
ngiti saken. sana pag nabasa mop ito magparamdam ka na.
miss na kita....


Friday, June 24, 2011

naunahan kasi ako ng hiya. ayan, naunahan tuloy ako.....

di mo naman ako nahintay joy......
balak pa naman sana kita ligawan.
kung alam mo lang, crush na crush
kita. kaya nga umiwas ako nung
malaman mo na gusto kita,..

pero ngayon, kaya ko na... may
lakas ng loob na ako na mag tapat
sayo.

pero huli na pala, nabalitaan ko sa lola mo.
nag asawa ka na pala.... =(





Tuesday, June 21, 2011

my dearest,... shasha








kakalimutan na kita.
hindi na kita itetext,
di na kita rereplyan.
pasensya ka na.
para saken din to.
para di na kita guluhin.
kase masyado akong
nasasaktan kahit wala
akng karapatan, minahal
kita ng matagal na panahon,
kahit nawalan tayo ng
communication. nanatili parin
yung pagmamahal ko sayo.

pero ngayon nakapag isip na ako.
mali pala ako, dapat pala alam ko
kung san ako lulugar. dapat akong
humanap ng tamang babae para sakin.

pero sana sa paghihintay ko ng
pagmamahal ng iba, sana katulad
mo din sya.kung pwede nga sana,
ikaw nalang pero huli na.

salamat sa atensyon mo, salamat
sa pagmamahal na pinadama mo.
naging inspirasyon ka saken.
andami kong natutunan sayo.
paalam na. mahal parin kita.

malungkot ako...

ayoko lumabas ng bahay,
ayoko makita yung mga tao sa labas,
ayoko pumasok sa trabaho,
gusto ko dito lang ako sa kwarto.

kase parang hindi ko kayang harapin ang buhay sa labas.
matapos akong mabigo sa pag ibig, pano pa ako makakapag simula ulit?
gusto ko lang naman na makita sya. yung tipong matanaw man lang,
masaya na ako dun, mababaw lang kasi ako, matanaw ko lang yung taong
mahal ko, masaya na ako. kaso tumanggi  si shasha eh. nalungkot tuloy ako.
di ko alam, wala nga naman talaga akong karapatan na magalit. di ko naman sya asawa,
pero minamahal ko sya. di ko tuloy sya nareplyan ng maayos nung huli ko syang nakatxt.
nag panggap ako na ok lang. kahit alam ko na umayaw lang sya at sinabi nya nalang na asawa nya yung katxt ko. at hndi sya.

Nalilito ko. Nahihirapan ako. Ang dami kong mga tanong.

Basta sa ngayon, gusto kong pumunta sa isang lugar na kung saan walang nakakakilala sa akin.

Gusto kong lumayo sa pamilya at mga kaibigan ko. 

Gusto kong magtungo sa isang tahimik na lugar.

Gusto ko na rin burahin sa isipan ko ang ilang mga tao sa buhay ko ngayon.

Basta nalulungkot ako.. 
 


                                                             god....... bakit ako?.......

Sunday, June 19, 2011

sayo nalang ako.......

                                                     gusto kong maging sayo shasha....
                                                     gusto kong maging lahat sayo.....
                                            gusto ko sa habang buhay, ako ang kasama mo...