Tuesday, June 21, 2011

malungkot ako...

ayoko lumabas ng bahay,
ayoko makita yung mga tao sa labas,
ayoko pumasok sa trabaho,
gusto ko dito lang ako sa kwarto.

kase parang hindi ko kayang harapin ang buhay sa labas.
matapos akong mabigo sa pag ibig, pano pa ako makakapag simula ulit?
gusto ko lang naman na makita sya. yung tipong matanaw man lang,
masaya na ako dun, mababaw lang kasi ako, matanaw ko lang yung taong
mahal ko, masaya na ako. kaso tumanggi  si shasha eh. nalungkot tuloy ako.
di ko alam, wala nga naman talaga akong karapatan na magalit. di ko naman sya asawa,
pero minamahal ko sya. di ko tuloy sya nareplyan ng maayos nung huli ko syang nakatxt.
nag panggap ako na ok lang. kahit alam ko na umayaw lang sya at sinabi nya nalang na asawa nya yung katxt ko. at hndi sya.

Nalilito ko. Nahihirapan ako. Ang dami kong mga tanong.

Basta sa ngayon, gusto kong pumunta sa isang lugar na kung saan walang nakakakilala sa akin.

Gusto kong lumayo sa pamilya at mga kaibigan ko. 

Gusto kong magtungo sa isang tahimik na lugar.

Gusto ko na rin burahin sa isipan ko ang ilang mga tao sa buhay ko ngayon.

Basta nalulungkot ako.. 
 


                                                             god....... bakit ako?.......

No comments:

Post a Comment