Thursday, June 16, 2011

friend nalang kami ni shasha.

around 9:30 pm, habang naka tambay, tumunog ang cp ko. tut, tut, tut, tut.... andami no? ganun talaga pag china phone ang gamit, putek!.... anyway high way. na shock at  na curius ako syempre.... eto ang sabi nya.

shasha: oi, bakla.... musta na?

yan ang sabi nya, wala akong load sa globe. at smart pa ang gamit nya. may kutob ako na si shasha yun kya agad akong nagpa load. kahit gaantxt lang. and then tinext ko sya.

berdugo: this is alvin v. may i know who is this? (uminglish talaga ha....)

shasha: si alvin ba to?

di parin sya nagpakilala,  kaya medyo uminit na ang ulo ko, kaya ininglish ko sya ulit. (yabang...)


berdugo: may i know you first? (suplado kong tanong sakanya.)


pero malakas ang kutob ko na si shasha na nga yun. kasi sya lang ang tumatawag sakin ng ganun. hindi ako nakatiis kaya ako ulit ang nagtxt.


berdugo: si shasha ba to?....

shasha: hindi, ako si sho.. joke, oo ako nga. ( korni nyang biro)

para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa pagkakagulat. ang matagal ko nang hinihintay na magtxt ay nagtxt na nga. masyado akong natuwa, kasi antagal ko syang hinintay, namiss, at minahal. pero napansin ko na iba na sya ngayon. wala na yung lambing, parang hindi na sya yung shasha na nakilala ko. halatang wala na yung dating feelings namin. masaya ako kagabi nung katxt ko sya, alam ko na napapatawa ko parin sya. kahit sa txt nalang. pero wala nang damdamin. (lalim noh?) dun ko naisip na hanggang friend nalang kame. alam ko na yun lang ang silbi ko sakanya. kahit na mahal na mahal ko sya. di pala sya naniniwala saken na hanggang ngayon iniisip ko parin sya. sa totoo lang na disapoint ako sa naramdaman ko. nainip lang pala sya kaya nya ako naisip itext. ganun pala yun, pag walang wala na, ako ang pagtatyagaan nya. ok lang saken yun.... ang mahalaga, naalala nya parin ako. patatawanin ko nalang sya pag katxt ko sya or kachat. tama na saken yun. ganun talaga pag nagmahal ka ng may asawa. para akong tanga. pero dun ako masaya.

pangako ko sayo sha,... mamahalin parin kita. kahit gano katagal tayong hindi magkita. kahit parang "the notebook".... kahit magkita tayo after 7 years, magkahiwalay, tapos magkita pag matanda na. tulad ni noah at allie. maghihintay ako.

No comments:

Post a Comment